Friday, June 12

Suko Ka Na Bang Maging Pilipino?

BABALA: Kung kahit minsan sa buong buhay mo, hindi pa dumapo sa isipan mong itanong kung bakit ba naging Pilipino ka pa, huwag nang basahin ang sumusunod...

Paminsan-minsan kasi, naiisip ko na suko na ako maging Pilipino. Oo nga! Kesyo biniyayaan daw tayo ng sangkatutak na likas na yaman. Limpak-limpak ang magagandang tanawing maipagmamalaki dito sa Pilipinas, higit pa roon, nagsulputan ang mga Pinoy na nag papagilas ng walang kasing husay na talento para sa buong mundo. Pero bakit pa? Minsan naisip ko, mag kakapera ba ako dito? Mas lalo ba akong magiging magandang lalake? Anung mapapala ko kung sumikat sila? Halos di nga ako mag kakapiso sa ginagawa nila eh. Eh ano kung may Manny Pacquiao na walang kasing galing sa boksing? Eh ano kung may Charice Pempengco na halos ampunin na ni Oprah Winfrey? Eh ano kung may tinatawag na Philippine All Stars na kampyon sa hip hop? Eh kahit pa bigyan mo ako ng 100 bagay na ikagaganda ng pangalan ng Pilipinas sa buong mundo, kaya ko itong tapatan ng 200 ikapapanget. At kaya niyo rin! Huwag niyo sabihing hindi!
Kaliwa't kanan ang kaguluhan ng Pilipinas. Hindi lang natin nalalaman, kapos pa ang tatlumpu o apatnaput-limang minuto ng TV Patrol, 24 Oras, Saksi at Bandila at SOCO para maihayag ang lumalagapak na mga kasuklam suklam na kaganapan sa ating bansa. Habambuhay na yata magdurusa ang milyong milyong Pinoy dahil sa salitang "pulitika". Minsan tuloy napapaisip ako, eh kung wala nalang kayang Presidente? Ilan sa aking pamantayan upang tingalain at sabihang karapat-dapat ang isang presidente:

1. Kayang sumagot ng pitong sudoku problems kada pitong segundo.
2. Hindi marunong mag tong its.
3. Hindi namamatay.
4. May koleksyon ng Nokia NSeries at kayang makipag teks gamit ang mga iyon ng sabay sabay.
5. Kumakain ng pandesal tuwing umaga, at kayang ipagpalit ang pagkain ng hapunan basta't makakain lang ng pandesal sa bawat pagsikat ng araw.
6. Takot sa camera.
7. Hindi marunong sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw, Rumba, Mambo at higit sa lahat: CHACHA.
8. May tangkad na lakpas anim na pulgada.
9. May itinatagong sex video ngunit kung saka-sakaling mailalantad ito sa website na Spankwire ay walang ni-isang tao ang mandidiri, magagalit, masisindak, magdedemanda, magsasalita, magsasayaw, kakanta, matutulog, kakain ng pandesal at higit sa lahat ay magpapaligo ng ibang tao basta basta.
10. Kumakain ng pandesal kasama ang kanin with matching sarsarap ni Jimmy Santos
Para sa akin, kung may isang presindensyabol ang magkakamtan ng mga pamatay kong pamantayan, eh magkakamit siya ng panghabambuhay na endorsement mula sa aking blog na Kebism - The Personal Blog of Kevin Michael C. Garcia. Higit sa lahat, sa kaunaunahang pagkakataon kong makikilahok sa botohan '10 ay maisusulat ko ang nickname niya sa aking pamatay na balota.
Bukod sa pulitka, animoy nagiging pastaym na ng mga Pinoy ang pagiging gutom. Milyong milyong Pinoy yata ang miyembro ng PRAT. PRAT? Anu bang PRAT iyan? PRAT-ing gutom! Minsan nga naiinggit ako sa mga susyal na miyembro ng PRAT ng bansang Aprika. Kaliwa't kanan ang kanilang exposures sa iba't ibang panig ng telebisyon. Kahit ano ibinibigay sa kanila. Kulambo, patatas, Nokia NSeries, katol, bigas, pandesal, bagong modelo ng iPod Shuffle (iyong nagsasalita), likas papaya soap, libreng Facebook accounts (may bayad ba iyon?), kamote, brokoli, singkamas saka libreng 200 followers sa Twitter. (Uy! Sumegwey ang aking twitter account). Edi balik nalang tayo sa ating pinag uusapan kani-kanina lang. Matapos malaman ang mga pamatay na benepisyo sa pagiging miyembro ng PRAT ng Aprika, sino ang gusto maging kasapi nito? Nga pala! Medyo susyal din naman pala ang mga miyembro ng PRAT sa 'Pinas. Tulad nalang nung pinagkakalat ni KC Concepcion na UN World Feed Programme. Gayonpaman, sana nga'y dumami pa ang mga kamukha ni KC Concepcion sa Pilipinas.
Heto pa! Sandamakmak ang mga kalbo sa Pilipinas. Oo! Dahil andaming nag kokotongan. Pendong Pis Kalbo! Oo! Kung ako ang tatanungin, gusto ko maging pulis. Para masubukan kong mangotong. Wala lang! Tapos pagbababarilin ko ang mga nag je jaywalking. Ang saya sa Pilipinas, andaming loko, maloko, luko-luko at higit sa lahat manloloko! Heto kasi ang latest na modus ng ilan nating kababayan sa panloloko ng hindi halata. Narito ang mga sangkap:

1. larawan ni Kristine Reyes
2. larawan ni Bea Alonzo
3. larawan ni KC Concepcion
4. larawan ni Dionisia Pacquiao (HUWATT?)
5. blank CD
6. manipes na plastik
7. isang pirasong pandesal

Proseso: pagsamasamahin ang mga sangkap sa isang manipes na plastic. Ulitin ang proseso ng ga milyong beses. Isabit sa kahit saan ang finished products basta dapat obyus na ibinibenta mo siya. Ikaw na ang bahalang mag presyo sa iyong produkto depende na lamang kung gaano kahirap ang pamamaraang ginawa mo para matapos ang gawain.
Ano pa nga ba? Libo libo pa! Hindi ko na kailangang sabihin. Alam na nang bawat isa sa atin ang kabahuan ng ating bansa. Oo! Maaari nyo na akong palakpakan sa mga kawalanghiyaang nasabi ko para sa ating bansa. Pero ano? Totoo diba? Sino ang nakakaasar? Ako? O ang katotohanan? Actually nakakaasar talaga ko, hehe. Pero diba masakit tignan? Higit pa duon, masakit marinig, maamoy, matikman at higit sa lahat, maramdaman. Nakakalungkot, dahil isang hamak na tulad ko, (na poging pogi) ay walang ibang sinabing maganda para sa kanyang bansa, naturingan pa naman siyang Pilipino. Pilipino pa ba? Iyon din ang aking naiisip.
Pero bago niyo batikusin ang aking mga sinabi, hindi ba mas hindi karapatdapat na tawaging Pilipino ang iba diyan, na walang anu anu ay ninakaw, ninanakaw at nanakawin ng harap harapan ang ating pinaghirapan at pinagsikapang mga pangarap para lang sa pansariling kagustuhan? Minsan kong hiniling maging Amerikano at lalung lalo na ang maging Briton. Nagsisi ako. Nalungkot. Naawa sa sarili. Bakit ko kailangang maghangad ng isang bagay na kahit kailan, hindi naman mag kakatutuo? Nainggit ako. Natuwa sa estado ng kanilang buhay. Bakit ba? BAKEEEEEEET? Sumuko ako maging Pilipino.
Araw ng kalayaan ngayon. Malaya tayo. Tama! Kaya nga't kung anu ano na ang pinag gagawa natin sa mga panahong ito. Narito ang ilang depinisyon ng malaya para sa akin:

1. Nakakakita tayo ng mga sudoku problems sa iilang mga diyaryo, lathala at aklat.
2. Nakakapag tong its tayo. Kung hindi man marunong, wala na ko pake dun.
3. Pwede tayo mamatay. Anytime.
4. Nakakahawak tayo ng mga selpon. Hindi man NSeries. Pwede na din iyong e-Pod, Motorolla, Sony Ericson, LG (iyong Quiz Bee?), Vodafone (oh susyal sa UK lang yan!), Samsung, blueberry ESTE Blackberry, Siemens, at ang walang kasing tibay at pamatay na CHINA Pon.
5. Pwede tayong kumain ng pandesal sa agahan, tanghalian, meryendz, hapunan at midnight snack.
6. Nakakapag pichur tayo.
7. Nakakasayaw tayo. Wag lang CHACHA pls.
8. Hindi man tayo lakpas anim na pulgada, wala naman tayong dambuhalang nunal sa pagmumukha.
9. Maaari tayong mag set up ng hayden cam at gumawa ng sarili nating sex video.
10. Makakakain tayo ng pandesal sa kanin. Iyon ay kung gusto lang naman natin. Dagdagan pa ng sarsarap ni Jimmy Santos.

Ang sarap maging malaya. Oo nga. June 12 ngayon. Ang sarap. Sarsarap! Kaya nga feel na feel ko ang pag edit ng header ng aking blog. Ang sarap din magsulat sa ating pambansang wika. Pers taym kong sumulat ng gamit ang wikang Tagalog. HUWAW! Kay sarap!
Isang araw lang to mga kabayan, kapatid at kapwa Pinoy! Sana, sa isang araw na ito, maging hudyat ng ating pagbabago. Alam kong hindi ganuon kabilis iyon. Hindi din naman madadagdagan ng pag pa publish ng aking munting blog ang kita ni Manny Pacquiao. Pero sana, sa mga taong nag basa nito, na minsan ay napaisip at nagdumi ng utak, nagtanong, namangha at nag alinlangan: "Suko na ko maging Pinoy!"
Kapit lang! Huwag tayong sumuko. Ako man na minsa'y sumuko, nagsisisi ngayon. Kaya naman heto, bumabawi at nagpapahayag ng pagmamahal ko sa bayan natin. Hindi dahil kay Kristine Hermosa. Hindi dahil kay Candy Pangilinan na ngayon ay itinuring na persona non grata ng lungsod ng Baguio. Hindi dahil sa sarsarap ni Jimmy Santos at pandesal. Kundi dahil MAHAL KO ANG PILIPINAS. Kahit anu pa man ang mangyari, wala akong kasing saya ngayon, dahil nandito ako sa Pilipinas na malapit nang mag isang daan ang kaso ng H1N1. Nandito ako sa Pilipinas na may milyun-milyong Pilipino na may 50/50 tiyansa kung makaboboto ba talaga sa darating na taong 2010 o hindi. Nandito ako sa Pilipinas, kung saan maraming kalbo at long hair. Hindi man ideal at perpekto ang ating bansa, heto, sama-sama tayong mag diriwang ng ating kalayaan. Iisa pa rin tayo! Mga PILIPINO!
WAW! Kinilabutan ako duon.

ksm

Kung naligayahan ka sa aking naisulat na artikulo, maaari kang sumuskribi sa pamatay na Kebism - The Personal Blog of Kevin Michael C. Garcia RSS pagkain. Pwede ka din namang sumuskribi gamit ang iyong di-kuryenteng liham at ang aking mga bagong artikulo ay didiretsong masu-syut sa iyong buson.

18 comments:

Anonymous said...

HAPPY INDEPENDENCE DAY!
I laughed when I get to read the part ng requirements ng presidents, esp the CHACHA part. =)) Ohwell, yeah, madaming panget sa bansa; but we should have a positive outlook and look for the good. ;)

Anonymous said...

UY! FIRST AKO!

Hari ng sablay said...

ayos!

kahit anong gawin natin pinoy pa rin tayo. iisa parin ang ating layunin adhikain at gustong mngyari sa bansa. tama walang susuko kaya natin to.

osiya makakalaya kana. happy independence day.

Author said...

bro, enks sa mga comments. katakam takam tong bago mong BG, as in background. tsaka yung image dito sa post. wow, sarap pang breakfast.

Be blessed dude!

miss Gee said...

hapii Indipindins dii! thinkyou biri mats! ay lab you manny!*with matching flying kiss*
- Aling Dionesia

Kahit anong mangyari masarap pa rin maging pinoy!-miss Gee (parang sarsarap ni jimmy s.*haha*)

ang haba ng post pero malupet at malaman! :)

admin said...

ako kaylanman hindi ako susuko bilang isang Pinoy coz im proud to be pinoy kahit minsan maraming problem

keb said...

Yes! Ang sarap nga! Ahaha, lalo na ang pandesal.

sterndal said...

palagi po akong magiging proud na isa akong PInoy!

never ko kakahiya yun

:)

thanks for this post

happy independe day!

Algene said...

happy independence day. i'm a proud pinay. :) i'm tired of complaining na. haha. :D

Hoobert the Awesome said...

dude, the best ka talaga. kahit super haba nung entry mo ngayon eh talagang tinapos ko. oo! from top to bottom.

kaya lang, tingnan mo yung no. 8 sa depinisyon ng pagiging malaya... tama ba yun? pulgada talaga? pulgada means inches diba? di naman siguro tayo ganun kaliit. hehe. PEACE.

kelanman, di ko isusuko ang pagiging PINOY ko...






ng walang kapalit. hehe. joke lang yun. PROUD ako sa pagiging PILIPINO ko. pramis!

hapi independence day sa lahat!

SuperGulaman said...

woot....aliw!...ahehehe...HAPPY INDEPENDENCE DAY parekoy!

keb said...

Ahaha, pOot, wala nga iyon sa height. Nasa nunal iyon! Haha, salamat sa pag basa: from top - to - bottom ! Mwah!

Hoobert the Awesome said...

dude, ala na ksi akong maisip na title eh. hayaan mo na. wahekhek!

kelan ka pala nag-start mag-blog? dun ka reply sa blog ko. i need your answer ASAP. demanding.

J.D. Lim said...

Ako din. Mahal ko ang Pilipinas. Sapat na dahilan iyon para makalimutan ko lahat ng 'pangit' na ikinakabit nila sa Pilipinas.

IJ Styles said...

Pilipino! Pilipino! Pilipino ang Lahi ko! Pilipino!

ACRYLIQUE said...

Ito ang gusto ko! PANDESAL AT SARSARAP! Yumm! :)

Kahit anong mangyari isusuot ko ang sash ng PILIPINAS ng may pagmamayabang!

NAGBUBUNYI AT NAGPUPUGAY! :)

Gi-Ann said...

ayos Keb ah. lakas ng sense of wit ng post na toh!

pinakanatawa ako sa "sarsarap ni Jimmy Santos."
LOL.

;)

may tugon lahat dito.Pinoy eh

klala mu n q^^ said...

w0w!
umaasenso k..^^!

Post a Comment

Earn Online Thru PTC

Earning online is very easy. I've already tried this method, and it really works! It's safe, user-friendly and virus-free! It's what we call "PTC"  or Paid To Click program. It's the online method, where members view/click advertisements for a short period of time (usually 30 seconds)...Read More!